Posible pa ring makaranas ng pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Palawan, Visayas at Mindanao bunsod ng patuloy na pag-iral ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ), ayon sa PAGASA.
Habang asahan naman ang mainit at maalinsangang panahon ngayong umaga hanggang tanghali, sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25°C hanggang 33°C habang sumikat naman ang haring araw 5:33 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:30 ng gabi.