Patuloy na umiiral ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa bahagi ng Palawan at Mindanao, ayon sa PAGASA.
Sinabi ni Patrick del Mundo, PAGASA weather specialist, na makararanas ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa buong maghapon sa B.A.R.M.M, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Palawan.
Habang asahan naman ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan at pag-uulan sa hapon o sa gabi sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil pa rin sa Localized Thunderstorms.