dzme1530.ph

ITCZ nakaaapekto sa Palawan, Visayas at Mindanao

Asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Palawan, Visayas at Mindanao dala ng umiiral na Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) ngayong araw, ayon sa PAGASA.

Habang maaliwalas na panahon naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, gayunman posible naman ang mga Localized Thunderstorm o pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat pagsapit ng hapon hanggang sa gabi.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25°C hanggang 33°C habang sumikat naman ang haring araw 5:27 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:26 ng gabi.

About The Author