dzme1530.ph

Isyu sa WPS, tatalakayin sa 31st Asia Pacific Parliamentary Forum

Kinumpirma ni Senate President Juan Miguel Zubiri na tatalakayin sa 31st Asia-Pacific Parliamentary Forum ang ilan sa mga isyu at hamon na kinakaharap ng mga bansa sa Asia Pacific Region.

Ayon kay Zubiri, kasama na rito ang isyu sa South China Sea kung saan kasama ang West Philippine Sea dahil may mga resolution anya ang ilang bansa na may kaugnayan sa usapin ng freedom of navigation, peace and stability, multilateral discussion at sa iba pang isyu na aaprubahan sa pagtatapos ng forum na mangangailangan ng consensus ng lahat ng mga bansang kasapi.

Sa gitna naman ng pagdalo ng delegasyon ng China, tiniyak ni Zubiri na idaraan sa diplomatikong proseso ang pagtalakay sa usapin sa South China Sea. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author