dzme1530.ph

Isyu ng national security at nasyonalidad ni suspended Mayor Guo, walang koneksyon – Abogado

Hindi ang senado kundi hukuman ang proper forum para husgahan si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ayon kay Attorney Stephen David, legal counsel ni Guo, dahil walang kaugnayan o malayo ang isyu ng national security sa nasyonalidad ng mayora.

Dahil dito hinimok ng kampo ni Guo ang mga senador na imbes unli hearing ay ituon na lang ang kanilang atensyon sa pagpasa ng batas kontra sa mga banta sa seguridad ng bansa.

About The Author