Iginiit ni Sen. Alan Peter Cayetano na dapat tugma sa economic development ang diskarte ng bansa sa West Philippine Sea.
Ito anya ang ginagawa ng China at maging ng mga mas maliliit na bansa tulad ng Vietnam.
Ayon kay Cayetano, napalago ng China ang mga patakaran at militar nito gamit ang economic development, na nagtulak dito para maging isang global superpower.
Iginiit ng senador na dapat magkaroon ng sustainable strategy at framework sa pagtugon sa ating laban sa West Philippine Sea kasabay ng paghahanap ng paraan na sa maayos na pakikipagtalakayan sa Malaysia at Vietnam.
Sinabi ni Cayetano na maaring lumala pa ang sitwasyon sa West Philippine Sea dahil sa tensyon sa pagitan ng China at United States.
Ayon kay Cayetano, dapat tingnan ng Pilipinas ang halimbawa ng Vietnam, na nagawang palaguin ang ekonomiya nito sa loob ng ilang taon. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News