Nanindigan si Israeli Energy Minister Israel Katz na hindi magbibigay ang Israel ng anumang basic resources o humanitarian aid sa Gaza hanggat hindi pinapakawalan ng Palestinian terrorist group na Hamas ang kanilang mga hinostage.
Ayon kay Katz, walang electric switch at water tap ang bubuksan hanggat hindi pinapauwi ng grupong Hamas ang nasa isandaan at limampung Israelis, foreigners at dual nationals na kanilang ginawang bihag bilang parte ng kanilang pag-atake.
Miyerkules nang mag-shut down ang nag-iisang power plant ng Palestine matapos itong maubusan ng fuel o langis.
Nabatid na nagsimulang putulin ng Israel ang anumang tulong sa Gaza matapos atakihin ng Hamas ang mga bayan at komunidad sa naturang bansa na kumitil sa buhay ng 1,200 katao. —sa panulat ni Jam Tarrayo