dzme1530.ph

Isla ng Bohol, kinilala bilang bagong site ng Global Geopark Network ng UNESCO

Idineklara ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization(UNESCO) ang Isla ng Bohol bilang isa sa 18 bagong sites ng kanilang Global Geopark Network.

Sa isang pahayag, kinilala ng UNESCO ang Karstic Geosites ng Isla tulad ng sinkholes; cone karst kasama ang “famous cone-shaped” na Chocolate Hills, at mga kweba.

Binanggit din ng organisasyon ang Danajon Double Barrier Reef na matatagpuan sa Bohol bilang isa sa anim na naitalang Double Barrier Reef sa buong mundo.

Nabatid na ito ang unang lugar sa Pilipinas na napasama sa Global Geopark ng UNESCO kung saan umabot na sa 145 ang kabuuang bilang ng mga sites na matatagpuan sa 48 bansa.

About The Author