dzme1530.ph

Isinusulong na peace talks ni PBBM, nakakuha ng suporta

Nagkaisa ang lahat ng partido politikal sa Kamara de Representantes sa isinusulong na peace talks ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Sa joint statement na inilabas ni House Secretary General Reginald Velasco, ang peace at national unity effort ng Pangulo ay historical at pivotal sa inaasam na kapayapaan at kaunlaran.

Kinikilala at nirerespeto umano ng bawat grupo ang magkakaibang paniniwala at idolohiya, subalit sa ngayon nagsasama-sama sila sa pagsuporta sa adhikaing makamit at umunlad ang bansa.

Ang pagsasama-samang ito naglalarawan umano kung gaano kasigla ang demokrasya at katatag ang bansa.

Ayon pa sa manifesto, ang panawagang kapayapaan ni BBM ay higit pa sa limitasyong pulitikal, kundi pagtataguyod ng pagkakaunawaan, kooperasyon at pagsasama-sama tungo sa masaganag pamumuhay.

Kasama sa party leaders na sumuporta ay sian Senior Dep. Spkr. Aurelio Gonzales, Jr., Majority Flor Leader Manix Dalipe, Minority Floor Leader Marcelino Nonoy Libanan, at mga kongresista mula sa Lakas-CMD, NPC, NP, NUP at Partylist Coalition Foundation, Inc. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author