Hindi maaapektuhan nang pagbaliktad ng mga testigo ang mga kasong isinampa ng gobyerno laban sa mga sankgot sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at siyam na iba pa.
Ito ang pagtitiyak ni Dep’t of Justice Sec. Jesus Crispin Remulla kasunod nang pagbawi ng salaysay ng mga suspect-witnesses na sina Winrich Esturis, Eulogio Gonyon Jr., John Loui Gonyon, Joric Labrador, at Benjie Rodriguez hinggil sa partisipasyon ng mga ito sa Degamo killing.
Ani Remulla, tila may mga taong nag-utos sa mga suspek na umatras at nagpondo para bawiin ng mga ito ang kanilang naunang testimonya sa pag-iisip na mababago nito ang takbo ng imbestigasyon sa kaso.
Binigyang-diin ni Remulla na hindi sila ang nililitis sa kaso kung hindi ang mga tunay na sangkot.