dzme1530.ph

Isinabatas na PPP Code, magpapalakas ng investments at lilikha ng mga dekalidad na trabaho —NEDA

Welcome sa National Economic and Development Authority ang paglagda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Public-Private Partnership code of the Philippines.

Ayon kay NEDA sec. Arsenio Balisacan, isusulong ng batas ang investments sa mahahalagang physical at social infrastructure, na lilikha ng maraming dekalidad na trabaho.

Sinabi ni Balisacan na maaaring magamit ng gobyerno ang PPPs upang pondohan ang infrastructure flagship projects, at maging ang mga programa sa edukasyon at kalusugan.

Pagagaanin din nito ang transaction cost kaakibat ng ease of doing business sa PPPs.

Malaking tulong din ito sa 8-point socioeconomic agenda ng administrasyon, tungo sa mabilis na paglago ng ekonomiya at pag-resolba sa poverty o kahirapan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author