dzme1530.ph

ISANG SALE LOT, IDINEKLARANG FAILED SA UNANG LIVE COVERAGE NG BOC

Loading

Natapos na ngayong araw ang Negotiated Sale proceedings ng Bureau of Customs sa OCOM Building sa Port of Manila, alinsunod sa Customs Modernization and Tariff Act.

 

Sa unang pagkakataon, ini-live ang buong proseso sa opisyal na social media page ng ahensya bilang bahagi ng pagpapalakas ng transparency sa disposal ng forfeited goods — hakbang na layong mabawasan ang port congestion at mapabilis ang cargo movement.

 

Kabuuang 21 sale lots ang isinailalim sa bentahan at tumagal ng halos isang oras ang negotiation bago isinara ang sesyon.

 

Sa Sale Lot 01-2026 mula sa Port of Limay, natukoy ang discrepancy sa volume ng diesel fuel — 4,000 liters sa publication ngunit 40,000 liters sa aktwal na dokumento. Dahil dito, minosyon at inaprubahan ang kanselasyon ng item.

 

Iisang offer lamang ang natanggap para rito at walang offers sa natitirang sale lots, dahilan upang ideklarang failed ang bentahan.

 

Iginiit ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno na patuloy nilang paiigtingin ang transparency at mahigpit na pagsunod sa proseso sa mga susunod na disposal proceedings.

About The Author