dzme1530.ph

Isang lokal na paaralan sa California, kinasuhan dahil sa paglabag sa LGBTQ Students’ Civil Rights

Kinasuhan ni California Attorney General Rob Bonta ang Chino Valley Unified School District Board of Education matapos itong maglabas ng polisiya na lumalabag sa LGBTQ Students’ Civil Rights.

Sa inihaing reklamo ni Atty. Bonta sa San Bernardino County Superior Court, inilahad nito na inoobliga ng paaralan ang kanilang mga guro na abisuhan ang mga magulang ng mga estudyante kung ang kanilang anak ay isang transgender o gumamit ng pronoun na iba sa nakasulat sa kanilang mga birth certificate.

Ayon kay Bonta malaki ang magiging epekto nito sa mga bata lalo na sa kanilang physical, mental at emotional well-being.

Sinabi naman ni Andi Johnston, Spokesperson ng halos 26,000 na estudyante ng school district, na pinag-aaralan na ng kanilang legal counsel ang naturang reklamo at ang mga nilalaman nito.

About The Author