Mahigit isang daan libong Public Utility Vehicles (PUVs) ang nakatakdang lumahok sa isang linggong tigil pasada upang tutulan ang PUV Modernization Program ng pamahalaan.
Sinabi ni Mar Valbuena, kinatawan ng grupong Manibela, tinanggihan nila ang apela ni Transportation Secretary Jaime Bautista na dayalogo bago ang ikinakasa nilang isang linggong strike.
Inihayag ni Valbuena na paninindigan nila ang kanilang posisyon at itutuloy ang kanilang plano para magka-alaman pagsapit ng lunes.
Inaasahang lalahok sa strike ang mahigit isandaan libong PUVs sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region, at Cagayan De Oro.
Sa Metro Manila pa lamang ay tinatayang mahigit dalawang daang libong mananakay ang maapektuhan ng tigil-pasada.