dzme1530.ph

Isa pang kandidato sa Barangay Elections, patay sa pamamaril matapos maghain ng COC sa North Cotabato

Sa ikalawang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy para sa Barangay Elections, isa na namang kandidato ang nasawi makaraang pagbabarilin habang kumakain sa isang Eatery sa labas ng Compound ng Midsayap Municipal Hall, sa North Cotabato.

Dead on Arrival sa ospital ang biktima na si Haron Dimalanis, 40-taong gulang.

Sugatan din sa pag-atake ang kasama nito na kinilalang si Javier Samad Kambiyong, 27-taong gulang.

Ayon sa Cotabato City Police, nangyari ang insidente kahapon ng tanghali pagkatapos maghain ni Dimalanis ng kandidatura bilang chairman sa Barangay Malingao.

Noong Lunes ay isang kandidato rin sa pagka-Barangay Chairman sa Libon, Albay ang patay sa pamamaril, ilang oras makaraang magsumite ng kanyang COC. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author