Bumalik sa Cairo, Egypt ang team ng Philippine Embassy na isang linggong nanatili sa Rafah border upang pangasiwaan ang paglilikas ng mga Pilipino mula sa Gaza.
Isang araw pang naghintay ang mga opisyal ng embahada para sa ibang Pinoy na nais tumawid patungong Egypt subalit huli na ang grupo na lumikas noong linggo.
Samantala, pauwi na sa Pilipinas ang isa pang batch na kinabibilangan ng 13 Pinoy at 6 na palestinong asawa at kaanak.
Mayroon namang naiwan sa Cairo na isang Pinoy at kanyang ama na Palestino na mayroong kondisyon sa puso kaya kailangan muna nilang maghintay ng ilang araw bago silang payagang bumiyahe.
Nagsilang na rin ng isang malusog na batang lalaki ang ginang na kabilang sa unang batch ng mga inilikas mula sa Gaza. —sa panulat ni Lea Soriano