dzme1530.ph

ISA NG TROPICAL STORM ANG TROPICAL DEPRESSION NA NASA LABAS NG PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY NA MAY INTERNATIONAL NAME NA “NURI.”

Loading

Huling tinaya ng PAGASA ang bagyo, kaninang 2 a.m., 1,290 kilometrong silangan ng Eastern Visayas, taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 65 km/h habang mabagal na kumikilos patungong timog-kanluran.

 

Para naman sa magiging lagay ng panahon ngayong Miyerkules, sinabi ng state weather bureau na maaapektuhan ng amihan ang Luzon at Visayas habang apektado ng trough ng tropical storm ang eastern section ng Mindanao.

 

Makararanas ang Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms bunsod ng trough ng bagyo.

 

Maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan naman ang iiral sa Batanes, Cagayan, Isabela, at Aurora bunsod ng amihan.

 

Samantala, amihan din ang magdadala ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated light rains sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, at Visayas.

 

Habang ang natitirang bahagi ng Mindanao ay magkakaroon din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkulog at pagkidlat bunsod naman ng localized thunderstorms.

 

Sumikat ang araw kaninang 6:07 ng umaga at lulubog ito mamayang 6:06 ng gabi.

About The Author