dzme1530.ph

Isa arestado, iba’t-ibang armas, nakumpiska sa sinagawang operasyon ng CIDG-Bulacan

Arestado ang 49-anyos nasi Sonny Calompag Borinaga matapos ang pagbebenta nito ng ibat-ibang kalibre ng baril at pambabasabog sa Dona Remedios Bulacan.

Ayon kay Criminal Investigation Detection Group Chief PMGen Romeo Caramat Jr, matagal ang surveilance na ginawa sa suspek dahil ang lugar nito ay tago at limitado lamang ang pumapasok dito, pero dahil nagawang makipagtransakyon ng mga operatiba sa suspek dito na natumbok ang kinaroonan nito at sa bisa ng search warrant ay napasok ng mga pulis ang bodega ng suspek.

Nakuha sa kanya ang ibat-ibang kalibre ng baril gaya ng: (1) pc. Crosmon Pellgun Cal. 22 rifle; – (1) pc. Square Bingham Cal. 22 rifle; – (2) pcs. Redeemer Land Cal. 22 rifles; – (1) pc. Carbine rifle; – (1) pc. Remington 12-gauge shotgun; – (1) pc. Cal. 45 Remington pistol; – (1) pc. Cal. 38 revolver Smith and Wesson; – (1) pc. Cal. 38 revolver; – One (1) pc. Hand Grenade; mga bala at marami pang iba.

Kasong violation of R.A. 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” ang kakaharapin ng suspek. –ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

About The Author