dzme1530.ph

Iran, itinangging may kinalaman sa pag-atake ng Hamas sa Israel

Itinanggi ng Iran ang alegasyon na may kinalaman ito sa malawakang pag-atake ng Palestinian Islamist Group na Hamas sa Israel.

Sinabi ni Forein Ministry Spokesperson Nasser Kanani na ang akusasyon sa umano’y papel ng Iran ay base lamang sa political reasons.

Binigyang diin ng opisyal na hindi nanghihimasok ang Islamic Republic sa pagdedesisyon ng ibang mga bansa, kabilang na ang Palestine.

Ang Palestinian militants mula sa Iran-backed Islamic Group na Hamas na nagko-kontrol sa Gaza Strip, ay naglunsad ng sorpresang pag-atake sa Israel noong Sabado, na nagresulta sa digmaan at ikinasawi na ng mahigit 1,000 katao. —sa panulat ni Lea Soriano

 

About The Author