dzme1530.ph

IQ ng mga Pinoy, below average lang —report

Mababa sa average ang Intelligence Quotient (IQ) score ng mga Pilipino.

Ito ay batay sa lumabas na resulta sa World Population Review (WPR) kung saan nasa ika-111 puwesto ang Pilipinas sa halos 200 bansa na sinuri matapos makakuha ng 81.64 IQ score.

Sa inilabas na listahan ng WPR, 12 bansa lang ang may IQ score na lagpas 100, dahil dito hindi umano dapat ituring na “mapurol” ang mga bansang nakakuha ng “Below Average” na marka.

Ayon sa eksperto, nakakaapekto ang socio-economic status, edukasyon ng mga magulang maging ang kalusugan sa IQ ng isang tao.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, dapat matiyak na naaalagaan ang nutrisyon ng mga bata upang lumaki ang mga ito na may mataas na IQ.

Samantala, wala pang komento ang Department of Education hinggil sa IQ score rankings.

About The Author