₱463.3-B na halaga ng investments sa Pilipinas ang inaprubahan ng Board of Investments sa unang quarter ng 2023.
Ayon sa BOI, mas mataas ito ng 155% kumpara sa ₱181.7-B na inaprubahan sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Kinapapalooban ito ng kabuuang 68 proyekto.
Sinabi ni BOI Executive Director for Investment Promotion Services Evariste Cagatan na karamihan sa mga pumapasok na negosyo sa bansa ay nasa larangan ng renewable energy at manufacturing.