dzme1530.ph

Internet voting sa mga OFW, posibleng magreresulta sa mataas na voter’s turnout

Ikinalugod ni Sen. Francis Tolentino ang plano ng Commission on Elections (COMELEC) na magsagawa ng pilot testing ng internet voting para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa 2025 midterm elections.

Sinabi ni Tolentino na sa pamamagitan ng mas madali at kumbinyenteng paraan ng pagboto ay mahihikayat ang maraming migrant Filipino workers na palagiang makilahok sa election activities ng bansa para sa pagpili ng nais nilang mga maging lider.

Mas magiging demokratiko anya ang proseso kapag maraming Pinoy na nasa ibayong dagat na mga absentee voters ang lalahok.

Sa nakalipas na presidential election, nasa 626,000 lamang sa 1.6-million registered overseas absentee voters ang nakaboto o katumbas ng 39% voter’s turnout.

Matatandaang noong 18th Congress, si Tolentino ang unang umapela sa poll body na bumuo ng mga mas madalinng paraan na makakaboto ang mga OFWs partikular ang mga Filipino seafarers. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author