Hindi binago ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang umiiral na 3% interest rate ceiling sa credit card transactions upang mabalanse ang pangangailangan ng consumers para sa credit card access at matiyak ang viability ng mga bangko.
Sa statement, sinabi ng BSP na ang kanilang policy-setting na monetary board ang nagpasya na i-retain ang existing ceiling sa credit card transactions sa ilalim ng Circular no. 1165 na may petsang January 19, 2023.
Ibig sabihin nito, ayon sa central bank, ang maximum interest rate o finance charge sa unpaid outstanding credit card balance ng cardholder ay mananatili sa 3% per month o 36% per year.
Idinagdag ng BSP na ang monthly add-on rates na maaring i-charge ng credit card issuers sa installment loans ay mananatili sa maximum rate na 1%. —sa panulat ni Lea Soriano