dzme1530.ph

Interest rate, nanatili sa 6.25% —BSP

Nanatili sa 6.25% ang batayan ng interest rate matapos bumaba ang inflation mula noong Pebrero hanggang Abril ng kasalukuyang taon.

Ito ang inihayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP Gov. Felipe Medalla sa pulong na isinagawa ng monetary board hinggil sa monetary policy.

Aniya, bagaman bumaba ang inflation sa 6.6% noong Abril ay nananatili pa rin itong mataas sa target range ng gobyerno na 2 to 4%.

Nabatid na ang interest rate ay tumutukoy sa mga kondisyon kapag ang commercial banks ay humiram o namuhunan ng pera sa central bank, at pinakamahalagang paraan upang mapamahalaan ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, at currency exchange rate.

About The Author