dzme1530.ph

Intel units ng BOC, nakakumpiska ng mahigit P30-B kontrabando sa unang walong buwan taon

Nakakumpiska ang Intelligence sector ng Bureau of Customs (BOC) ng P30.86-B na halaga ng smuggled goods simula Enero hanggang Agosto ngayong taon.

Ang intelligence sector ng BOC ay binubuo ng Intelligence Group, Customs Intelligence and Investigation Service, at X-ray inspection project.

Pinapurihan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang tatlong branches bunsod ng tumaas na volume ng mga nakumpiskang smuggled goods, na mas mataas ng P6-B kumpara sa total tally noong 2022. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author