dzme1530.ph

Inmates sa NBP, pinapayagang umorder ng pagkain sa Online

Maaring umorder ang mga Person Deprived of Liberty (PDL) ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ng pagkain sa pamamagitan ng online delivery applications.

Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. na pinapayagang magpa-deliver ng pagkain ang inmates, sa online gamit ang mga laptop para sa “E-dalaw.”

Aminado si Catapang na may mga pangyayari na kung saan itinago ang mga kontrabando sa loob ng food packages, subalit agad naman nilang nasasabat at hindi na isinasa-publiko.

Sa kabila nito ay binigyang diin ng BuCor Chief na karapatan ng mga PDL na umorder ng pagkain, alinsunod sa Mandela Prison Reform.

Tinukoy din ni Catapang na sobrang siksikan sa loob ng NBP, kaya sa nakaaawang sitwasyon ng mga inmate, ay dapat din silang bigyan ng kaunting kalayaan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author