dzme1530.ph

Iniwang pinsala ng bagyong Egay sa agrikultura, sumampa na sa P512-M

Pumalo na sa P512.9-M ang halaga ng pinsala ng bagyong Egay sa agrikultura.

Sa datos ng Department of Agriculture, aabot sa mahigit 50,000 magsasaka ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Egay.

Kabilang sa mga hindi na mapakikinabangang produkto ay bigas, kung saan may volume of production loss na 90,000 metric tons.

Apektado din ang 58,000 hectares ng agricultural areas kabilang ang palayan, maisan at livestock poultry.

Pinakikilos na ng ahensya ang local government units at Disaster Risk and Response Management-related offices na mamahagi ng tulong sa mga magsasaka at mga mangingisda na lubhang nasalanta ng bagyo.

About The Author