dzme1530.ph

Inilalabas na bigas ng NFA, dumaan sa pagsusuri, ligtas kainin

Tiniyak ng National Food Authority sa publiko na ligtas kainin ang ibebentang “aging rice stock” sa mga piling benepisyaryo simula sa Hulyo.

Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, mabibili ang P29 per kilong bigas sa mga Kadiwa Store sa piling lugar.

Ipinaliwanag ni Lacson na dumaan sa pagsusuri ang mga inilalabas na regular well milled rice ng NFA na binili nito sa lokal na magsasaka.

Kinakategorya lamang umano ang bigas bilang “luma” kapag ito ay nai-imbak sa loob ng anim na buwan, habang tatlong buwan naman para sa milled o giniling na bigas.

About The Author