Inihayag ng Kagawaran ng Kalusugan na patuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa kaso ng Pertussis na kilala rin bilang ubong dalahit o tusperina.
Sa pinakahuling data ng DOH hanggang Marso 23, 2024, nakapagtala ito ng 862 na kaso ng Pertussis sa bansa, 30 beses na mataas kumpara sa katulad na petsa noong nakaraang taon na dito ay may naitalang pumanaw na 49.
Kabilang sa limang rehiyon na nagtala ng mataas na bilang ng kaso ay ang MIMAROPA (187), na sinundan ng NCR (158), pumangatlo ang Central Luzon (132), ika-apat ang Central Visayas (121), at ika-lima ang Western Visayas na nakapagtala ng (72).
79% na tinamaan ng pertussis ay edad lima pababa; 6 sa 10 o 66% ng mga batang ito ay hindi nabakunahan, o hindi batid ang kanilang vaccination history.
4% lamang sa kaso ang adult o may edad 20 pataas.
Ayon sa DOH, bagaman pinaigting ang immunization program, makikita lamang ang epekto nito sa loob ng susunod na apat hanggang anim na linggo.