Maglalaro sa 5.8% hanggang 6.6% ang inflation para sa buwan ng Mayo, batay sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ayon sa BSP, maaring bumagal o manatili sa 6.6% ang consumer price index sa ikalimang buwan ng taon.
Sa statement, tinukoy ng central bank bilang primary source ng posibleng pag-angat ng inflation ang tumaas na presyo ng bigas, gulay, at iba pang key food items, pati na ang tumaas na presyo ng LPG at singil sa kuryente ng Meralco.
Maari namang magpababa sa inflation ang rollback sa presyo ng petrolyo, pati na ang pagbaba ng presyo ng poultry products at isda, maging ang singil sa kuryente ng iba’t ibang regional power distributors. —sa panulat ni Lea Soriano