Patuloy na bumagal sa ika-6 na sunod na buwan ng Hulyo ang inflation rate sa bansa, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa datos ng ahensya, sinabi ni National Statistician at PSA Chief Claire Dennis Mapa na sumadsad pa ang presyo ng mga bilihin at serbisyo sa 4.7% noong nakaraang buwan mula sa 5.4% noong Hunyo at 6.4% noong hulyo ng nakaraang taon.
Dahil dito, umabot na sa 6.9% ang year-to-date ng inflation, na mas mataas pa rin sa target ng gobyerno na 2% hanggang 4%.
Pangunahin namang dahilan ng mababang ng antas ng inflation noong Hulyo ay ang mabagal na paggalaw sa presyo ng mga pagkain, pabahay, tubig, gas, at iba pang produktong petrolyo. —sa panulat ni Airiam Sancho