dzme1530.ph

Inflation rate sa bansa, posibleng bumaba sa 4% sa 3rd quarter ng taon

Posibleng bumaba sa 4% ang inflation rate sa Pilipinas sa Setyembre at Oktubre.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Felipe Medalla, itoy’ dahil ang pag-iimport ng Pilipinas ng mga produkto sa ibang bansa ang posibleng ikonsidera ng gobyerno upang patuloy na maibsan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Nabatid na bumaba ang inflation sa 6.6% noong April 2023 matapos makapagtala ng 8.7% noong January, na pinakamataas sa loob ng 14 na taon.

Sinabi pa ni Medalla na nakatakdang magpulong ang monetary board sa Huwebes upang talakayin ang policy rate.

Noong nakaraang linggo, sinabi ng International Monetary Bank sa BSP na dapat nitong itigil ang policy easing sa nagyon dahil nananatili pa rin ang mataas na inflations risk. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author