dzme1530.ph

Inflation rate sa bansa, bumagal pa sa 3.9% noong December 2023

Bumagal pa ang inflation rate o ang antas ng paggalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa noong December 2023.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority, sinabi ni PSA Chief Claire Dennis Mapa na bumaba ito sa 3.9% noong nakalipas na buwan, na mas mabagal kumpara sa naitalang 4.1% noong November 2023 at 8.1% noong December 2022.

Pangunahing dahilan nang mas mababang antas ng inflation ay ang food and non-alcoholic beverages; restaurants and accommodation services; housing o pabahay, water, electricity, gas at iba pang produktong petrolyo.

Samantala, pasok sa pagtaya na 3.6% hanggang 4.4% target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang nai-ulat na inflation rate noong December 2023. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author