Bumaba sa 4.9 % ang inflation rate o ang antas ng paggalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo noong Oktubre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa datos ng ahensya, mas mababa ito kumpara sa 6.1 %na naitala noong Setyembre.
Kabilang naman sa nag-ambag sa pagbagal ng inflation ang mababang presyo ng agricultural products tulad ng bigas, karne, at mga gulay, at non-alcoholic beverages.
Samantala, ang naitalang Inflation noong oktubre ay mas mababa kumpara sa 5.1% hanggang 5.9% target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
—Ulat ni Airiam Sancho, DZME News