dzme1530.ph

Inflation para sa buwan ng Mayo, posibleng umabot hanggang 4.5%

Inaasahang tataas pa sa 3.7% hanggang 4.5% ang inflation rate para sa buwan ng Mayo.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), posibleng bumilis ang paggalaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo para sa buwan ng Mayo mula sa 3.8% na naitala noong Abril.

Ito ayon sa central bank ay dahil sa pabago-bagong presyo ng gulay, pagtaas ng singil sa kuryente at pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.

Sinabi ng BSP na ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin ay posibleng mabalanse sa bahagyang pagbaba ng presyo ng bigas, isda, prutas, langis at  Liquefied Petroleum Gas (LPG).

Samantala, sinabi naman ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nakatakda nilang ilabas ngayong linggo, ang opisyal na inflation rate sa bansa.

About The Author