dzme1530.ph

Inflation ngayong Abril, tinaya ng BSP sa 6.3 hanggang 7.1%

Tinaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa 6.3% hanggang 7.1% ang inflation ngayong Abril.

Sa statement, sinabi ng BSP na ang paggaan ng price pressures ay maiuugnay sa pagbaba ng singil sa kuryente, pagbaba ng presyo ng mga isda at gulay, pati na rollback sa presyo ng LPG.

Samantala, ang upward price pressures naman ay maaring magmula sa mas mataas na presyo ng domestic petroleum, at pagmahal ng bigas at mga karne.

Bumagal ang inflation noong Marso sa 7.6% mula sa 8.6% na naitala noong Pebrero.

About The Author