dzme1530.ph

Inflation, inaasahan na bababa ngayong buwan ng Marso —BSP

Tinaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa 7.4% hanggang 8.2% ang inflation rate o ang bilis ng paggalaw ng mga bilihin at serbisyo para sa buwan ng Marso.

Mas mababa ito sa 8.6% rate na naitala noong nakaraang buwan.

Ayon sa BSP, ang inaasahang pagbaba ng inflation ay magmumula sa bumabang presyo ng mga produktong petrolyo, prutas, gulay, manok, at asukal.

Samantala, posibleng maging dahilan naman upang mapanatili ang mataas na monthly average inflation ang tumaas na singil sa kuryente, pati na ang pagmahal ng ibang mga pagkain, gaya ng karne ng baboy, isda, itlog, at bigas.

About The Author