dzme1530.ph

Infanta, Quezon, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang probinsiya ng Quezon dakong alas-11:22 kagabi.

Natunton ng PHIVOLCS ang sentro ng lindol sa layong 14 kilometers hilagang-silangan ng Infanta, Quezon.

May lalim ang lindol na 7 kilometro at tectonic ang origin nito.

Naramdaman din ang pagyanig sa Metro Manila kung saan naiulat ang Intensity II sa Makati, Quezon City, Maynila at San Juan.

Habang naitala naman ang Instrumental Intensity V sa Polilio, Quezon.

Ayon sa PHIVOLCS, wala namang inaasahang pagkasira sa mga istruktura at aftershocks dulot ng naturang pagyanig. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author