dzme1530.ph

Indonesian teenager na-rescue ng militar laban sa bandidong grupo

Na-rescue ng mga sundalo ang isang Indonesian national sa Basilan habang nagsasagawa ng operasyon ang Militar laban sa Daulah Islamiyah-Abu Sayyaf Group (DI-ASG) subleader Mudzrimar Sawadjaan, alyas Mundi at Pasil Bayali alyas Kera nitong Sabado.

Ayon kay acting Commander Col. Frederick Sales, ginawang bihag ng bandidong grupo, na pinangungunahan ni alyas Mundi, ang Indonesian teenager ng makatakas ito sa Sulu.

Ayon pa kay Sales, nakilala ang menor de edad na si Ahmad Ibrahim Rullie, 15year-old, na agad dinala sa pagamutan para mapatignan.

Dagdag ni Sales, posibleng anak ng mag-asawang Abbang Rulie at Rian Rullie ang teenager na hinihinalang may kinalaman sa pambobomba sa Jolo Cathedral, kung saan 23 ang nasawi at habang marami ang nasugatan. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

About The Author