dzme1530.ph

Indonesian President Joko Widodo, darating sa bansa sa susunod na linggo

Darating sa Pilipinas sa susunod na linggo si Indonesian President Joko Widodo.

Inanunsyo ng Malacañang at ng Dep’t of Foreign Affairs ang tatlong araw na official visit ni Widodo sa bansa sa Jan. 9-11.

Nakatakda itong makipagpulong kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Jan. 10.

Inaasahang pagtitibayin at palalawakin pa ng dalawang kapwa ASEAN Leaders ang relasyon ng Pilipinas at Indonesia, sa harap na rin ng nakatakdang pagdiriwang ng ika-75 Anibersaryo ng formal diplomatic relations ng dalawang bansa sa Nobyembre. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author