dzme1530.ph

Indonesian Billionaire, nag-donate ng P41.6-M para sa low-cost housing at social programs ng Administrasyong Marcos

Nag-donate ang Indonesian businessman na si Dato’ Sri Tahir ng 1 million Singaporean dollars o P41.6-M, para sa low-cost housing at social programs ng gobyerno ng Pilipinas.

Personal na ini-abot ni Tahir kay Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang donasyon, sa kanilang pagpupulong sa Malacañang.

Sinabi ng Indonesian billionaire na nais niyang makipagtulungan sa pangulo sa mga programang panlipunan.

Bukod dito, interesado rin itong magtayo ng ospital sa bansa, at ibinida nito na ang kanyang kumpanya ang nagpapatakbo ng pinaka-malaking pribadong pagamutan sa Indonesia.

Binati rin ni Tahir si Marcos para sa pagka-panalo nito sa eleksyon noong nakaraang taon.

Ipinagmalaki naman ng Pangulo ang agresibong programa sa pabahay ng kanyang administrasyon, kabilang ang target na makapagpatayo ng 6-M pabahay sa kanyang termino. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author