dzme1530.ph

Inauguration Ceremony at pagpapala ng bagong isolation facility sa Manila City Jail Male Dorm, isinagawa

Matagumpay na naidaos ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang seremonya ng inagurasyon at pagbabasbas ng bagong isolation facility sa Manila City Jail Male Dorm, Brgy 310, Quezon Blvd., Sta Cruz, Manila.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ni JCSupt. Ruel Silva Rivera, Acting Chief ng Bureau of Jail Management (BJMP) kasama ang iba’t ibang opisyal at kawani ng BJMP, gayundin ang mga tauhan at PDL ng Manila City Jail Male Dorm.

Pinangunahan ni Reverend Father Juan B Buban, Chief ng Chaplaincy Service Office, ang pagbabasbas ng bagong isolation facility.

Binigyang-diin ang seremonya ng ceremonial ribbon cutting ng bagong isolation facility sa pangunguna nina JCSupt. Ruel S Rivera, DSC, -Acting Chief ng BJMP, JCSupt. Efren A. Nemeño, -DPA, TLPE, Regional Director ng Jail Bureau, at JCSupt. Luisito C. Muñoz, CESE, Directorate for Logisics at JSupt. Mirasol V. Vitor, City Jail Warden ng Manila CJ MD.

Layunin ng inauguration na maging maayos na matugunan ang pamamahala ng mga pasyente ng COVID-19 at anumang mga nakakahawang sakit sa loob ng jail facility. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author