dzme1530.ph

Suspek sa pagpatay sa radio broadcaster sa Oriental Mindoro, inaresto ng NBI

Inaresto ng National Bureau of Investigation ang suspek sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Cresenciano “Cris” Bundoquin sa Oriental Mindoro.

Isinilbi ng NBI ang warrant laban kay Isabelo Bautista Jr. para sa kasong Murder kaugnay ng pamamaril sa mamahayag.

Ang warrant ay inisyu ni Oriental Mindoro Regional Trial Court Branch 39 Judge Josephine Caranzo.

Nanindigan naman si Bautista na inosente siya sa krimen.

Una nang sumuko ang suspek sa NBI-National Capital Region noong Hunyo at itinanggi na may kinalaman siya sa pagpatay kay Bundoquin sa Calapan City. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author