dzme1530.ph

Inaprubahang memorandum circular na nagtataguyod sa Philippine Export Development Plan 2023 -2028, suportado ng DTI

Inaprubahang memorandum circular na nagtataguyod sa Philippine Export Development Plan 2023 -2028, suportado ng DTI.

Ikinatuwa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang buong suporta at pag-apruba ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr., sa pagpapatupad ng Philippine Export Development Plan 2023-2028.

Ito’y makaraang ilabas kamakailan ang isang Memorandum Circular noong June 20, na nag-aatas sa mga kinauukulang ahensya ng Pamahalaan na tukuyin at ipatupad ang mga programa, aktibidad gayundin ng mga proyekto na sususporta rito.

Ayon kay Trade Sec. Alfredo Pascual, kaisa sila ng mga exporter upang gawing whole-of-government ang approach sa pag-aalok ng mga produktong Pinoy sa pandaigdigang merkado.

Sa pamamagitan aniya nito, tiyak na maitataguyod ang kapakanan ng mga exporter sa paghahatid ng ipinagmamalaking mga produktong Pilipino na makatutulong upang mapalakas pang lalo ang ekonomiya.

Dagdag pa ni Pascual, sa pamamagitan din ng Philippine Export Development Plan 2023-2028, mapalalakas din nito ang labor force lalo’t tiyak na darami rin ang mga malilikhang dekalidad na trabaho para sa mga Pilipino. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author