Bumaba ng 1.56% ang meat imports sa unang anim na buwan ng taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2022.
Sa tala ng Bureau of Animal Industry (BAI), 590.77 million kilograms ng karne ang inangkat ng bansa simula Enero hanggang Hunyo kumpara sa 600.14 million kilograms na inimport noong nakaraang taon.
286.28 million kilos ng karneng baboy ang inimport na katumbas ng 48.46% ng kabuuang inangkat sa unang anim na buwan.
Ang Spain ang primary source country para sa pork na nag-deliver sa bansa ng 78.55 million kilos; sumunod ang Canada, 50.25 million kilos at Brazil, 40.18 kilos. —sa panulat ni Lea Soriano