dzme1530.ph

Ina ni Jo Koy, nasaktan sa batikos ng ilang Pilipino sa pag-host ng Fil-Am Comedian sa Golden Globes

Bilang isang ina, hindi naiwasan ni Josie Harrison na masaktan sa mga pintas na inabot ng kanyang anak na si Jo Koy nang mag-host ang stand-up comedian sa 81st Golden Globe Awards.

Sa isang panayam, binigyan diin ni harRison na ibinigay naman ni Jo Koy ang “best” nito para i-represent ang Pilipinas.

Inamin ng Ginang na nasaktan at nalungkot siya nang mabalitaan na kapwa Pilipino pa mismo ang pumintas sa hosting stint ng kanyang anak.

Idinagdag ni Harrison na ang pagtanggap ni Jo Koy sa proyekto ay para sa kapakanan ng Asian Group na aniya ay pinaka-proud sa pag-represent nito sa Asya at sa kanyang mga kababayan. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author