Pinawalang sala ng Korte sa Maynila ang aktibistang si Reina Mae Nasino at dalawang iba pa sa kasong Illegal possession of firearms and explosives bunsod ng kakulangan ng ebidensya.
Si Nasino, kasama sina Alma Moran at Ram Carlo ay inaresto sa Tondo, Maynila noong November 2010, matapos makumpiskahan ng mga baril, bala at granada.
Inakusahan ng mga pulis ang mga dinakip na suspek na supporter’s ng New People’s Army na mariin namang itinanggi ng tatlo.
Nagdadalang-tao si Nasino nang arestuhin at nangangak ito sa kulungan, kaya naman umapela ito sa Korte na payagan siyang makasama ang bagong silang na sanggol na pinangalan niyang River, subalit ibinasura ang kanyang hiling.
Nanghina ang sanggol at kalaunan ay namatay matapos mahiwalay mula sa nakakulong na ina. —sa panulat ni Lea Soriano