dzme1530.ph

Imprastraktura, enerhiya, turismo, at transportasyon, tinukoy na potential sectors para sa investments ng Maharlika Fund

Tinukoy ng Maharlika Investment Corp. ang mga sektor na maaaring paglagakan ng investments ng Maharlika Fund.

Sa Inaugural Board Meeting ng MIC board members, iprinisenta ni MIC President and Chief Executive Officer Rafael Consing Jr. ang potential sectors tulad ng imprastraktura, oil, gas, and power, agroforestry industrial urbanization, at mineral processing.

Kasama rin ang turismo, transportasyon, at aerospace and aviation.

Ayon kay Consing, ang mga nasabing sektor ang magbibigay-daan sa pagkakamit ng multigenerational commercial, economic, at social development value creation sa pamamagitan ng pagpapalago ng sovereign wealth fund.

Sinabi naman ng Dep’t of Finance na gagamitin ang investments sa Maharlika Fund upang mapabilis ang pagsasakatuparan ng 197 high-impact infrastructure flagship projects ng administrasyon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author