dzme1530.ph

Imprastraktura, agrikultura, kalusugan, at edukasyon, mananatiling priority sa 2024 budget —DBM

Tiniyak ng Dep’t of Budget and Management na mananatiling priority sa 2024 National budget, ang mga sektor na naging priority expenditure sa 2023 budget.

Kabilang dito ang imprastraktura, agrikultura, kalusugan, at edukasyon.

Ayon kay Budget sec. Amenah Pangandaman, sa pagsisimula ng Administrasyong Marcos ay inilatag ang medium-term fiscal framework na inadopt ng kongreso, kung saan nakalagay ang priority programs at areas.

Kaugnay dito, patuloy umanong tututukan ang expenditure items na mag-aangat sa ekonomiya kabilang ang “Build, Better, More” program, alinsunod sa 8-point socioeconomic agenda at Philippine Development Plan.

Manananatili ring priority ang agrikultura sa harap pa rin ng epekto ng pandemya, at gayundin ang health and education sector upang mapalakas ang workforce ng bansa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author