Tinutulan ng mga manggagawa ang sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balicasan na hindi kakayanin ang pagtaas ng sahod dahil sa mataas na inflation sa bansa.
Sa panayam ni DZME1530, sinabi Atty. Sonny Matula, Presidente ng Federation of Free Workers, dapat maging bukas ang pamahalaan sa mga manggagawa lalo’t sila ang labis na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Naniniwala si Matula na makukuha sa diyalogo ang isyu ng sweldo sa bansa basta handa aniya ang mga manggagawa na sumunod at magbigay para sa ikabubuti ng bansa.